Rep. Valeriano sees opportunity in US President Trump’s tariffs PH can be a manufacturing hub.
While many see doom in the sweeping tariffs to be imposed by United States President Donald Trump, MANILA 2ND DISTRICT REPRESENTATIVE ROLANDO “ROLAN” VALERIANO, sees an opportunity.
“Sa unang pagtingin, talagang nakababahala ang sweeping na tariff increases na nais ipasakatuparan ni US President Trump. Nagtaas ang taripa, kumpara sa dati, laban sa mga produkto na ating ine-export sa Amerika. Subalit sa isang banda, napakalaki ng diperensya ng 17% lamang na tariff sa ating bansa, kung ating ikumpara sa 49% sa Cambodia, 46% sa Vietnam, 44% sa Sri Lanka at Myanmar, 37% sa Bangladesh, 36% sa Thailand, 34% sa China, 32% sa Taiwan, 32% sa Indonesia, 27% sa India 24% sa Malaysia, at sa iba pang mga bansa. Maituturing na ang tariff rate sa atin ay napakababa pala. Lalo pa na ang mga bansa na pinatawan ng mas mababa sa 17% ay hindi namin natin maituturing na trade competitors.
According to Valeriano, the 2023 Outstanding Customs Broker of the Year awardee of the Professional Regulations Commission (PRC), the rate of tariff, which is a tax imposed on a product being imported to a country, is very crucial for multinational exporter companies, especially for local US companies, whose manufacturing plants are located outside the US.
“Ang gawi ng mga malalaking kumpanya na producers ng consumer items gaya ng mga computers, cell phones, garments at food products, na ang merkado ay ang US, ay ilagay ang kanilang manufacturing facilities sa ibang bansa, kung saan mas mura ang labor at cost of doing business, kumpara sa Amerika. Ang mga kumpanyang ito ay ang mga sinusuyo na maging investors ng Pilipinas, kalaban ang mga bansa sa Southeast Asia, China, India, Bangladesh at iba pang mga bansa.
“Ngayong mas magiging mataas ang tariff sa pagpasok sa Amerika ng mga produkto galing sa mga nasabing bansa, naging kalamangan naman ito para sa ating bansa. Ang problema ay naging isang oportunidad.
“Napakalaking pagkakataon ito para sating bansa. Gawin nating mas attractive ang ating investment atmosphere. Gawin mas mababa ang cost at ease of doing business. Magtayo pa tayo ng mas maraming EPZAs, sa mga probinsya at mga syudad. Reviewhin ang mga tax rates, kung maari pa itong ibaba, lalo pa sa mga kumpanya na maglilikha ng maraming mga hanapbuhay. Bawasan ang red tape, mga opportunities for corruption, at iba pang issues na nakakaturn-off sa mga investors. Pilitin natin na maging isang ganap na manufacturing hub ang Pilipinas.”, concluded Valeriano, the Chairperson of the House Committee on Metro Manila Development, and a member of the Committee on Trade and Commerce.