Previous Story
Dagsa ng tao ngayong araw, asahan na ayon sa PITX!
Posted On 23 Aug 2024
Comment: 0
Unti unti nang nararanasan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange ang dagsa ng mga pasaherong nagbabalik metro manila.
Ayon kay Kolyn Calbasa ang Corporate Communication Officer ng PITX, maaga palang ay nakapag tala na sila ng nasa mahigit 30k mga pasaherong nasa terminal.
Paliwanag nito – mataas ang naturang bilang dahil sa normal na araw ay sa tanghali hanggang hapon pa nila nakukuha ang nasabing bilang.
Pero sa kabila nito ay tiniyak naman ni Calbasa na nakahanda ang kanilang opisina sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw na inaasahang aabot sa halos dalawandaang libong pasahero.
Giit nito nag dagdag sila ng mga tauhan para matiyak ang maayos na foot traffic sa terminal gayundin ang crowd control.